GMA Logo endless love
What's on TV

Endless Love: Tuloy na ang kasal nina Johnny at Yumi | Week 9

By Aimee Anoc
Published August 9, 2021 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

endless love


Tinanggap na ni Jenny ang alok na kasal ni Andrew.

Sa ikasiyam na linggo ng Endless Love, tinanggap na ni Jenny Cruz (Marian Rivera) ang alok na kasal ni Andrew Tantoco (Dennis Trillo).

Muli na ring bumalik si Jenny sa mga magulang ni Johnny at pumayag na ito sa planong pag-ampon sa kanya. Hindi naman matanggap ni Shirley Dizon (Nadine Samonte) ang desisyon ng mga magulang sa muling pag-ampon kay Jenny.

Dahil sa selos, kinumpronta na ni Yumi (Bela Padilla) si Jenny kung totoo bang may nararamdaman ito para kay Johnny Dizon (Dingdong Dantes). Hindi naman nakasagot sa kanya si Jenny.

Isinuot na ni Jenny ang engagement ring na bigay sa kanya ni Andrew.

Hindi naman naiwasan ni Shirley na mag-eskandalo sa simbahan kung saan inihahanda ang kasal nina Johnny at Yumi nang malamang engaged na sina Andrew at Jenny.

Samantala, nang dahil sa kalasingan at pagseselos, pilit na pinaamin ni Andrew si Jenny sa harap ng maraming tao kung ano nga ba talaga ang nararamdaman nito para kay Johnny.

Sa kabila ng katotohanang may pagtingin si Jenny para kay Johnny, handa pa ring tanggapin ni Andrew si Jenny dahil ayaw niya nitong mawala sa kanya. Sinabi ni Andrew na magpapakasal pa rin sila ni Jenny at walang magbabago sa pagmamahal nito.

Samantala, nabasa na ni Shirley ang liham na naglalaman ng pagmamahal ni Jenny para kay Johnny.

Sa kasal, hindi naiwasang mag-alala ng lahat dahil wala pa rin sa simbahan si Johnny at nauna pang dumating sa kanya si Yumi.

Nakarating naman sa kasal si Johnny ngunit mababakas sa mukha nito na hindi niya gustong ituloy ang kasal kay Yumi.

Samantala, dumating naman nang lasing si Shirley sa kasal ng kapatid. Sa pagdating nito, ipinaalam ni Shirley sa lahat ang liham ni Jenny para kay Johnny.

Dahil sa panggugulo ni Shirley sa kasal at pagsasabi nito ng tunay na relasyon nina Johnny at Jenny, inamin na ni Johnny na totoo ang lahat ng sinabi ng kapatid tungkol sa kanila ni Jenny.

Hindi na natuloy ang kasal nina Johnny at Yumi.

Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives.

Samantala, narito ang ilan pa sa mga bida ng Endless Love at kung ano ang kanilang ginagawa ngayon: