
Sa ikalabing-tatlong linggo ng Endless Love, sumang-ayon na si Jenny Cruz (Marian Rivera) na sumama kay Andrew Tantoco (Dennis Trillo) na magpakalayo-layo.
Pero hindi ito natuloy dahil nang papaalis na sana sila, bigla na lamang hinimatay si Jenny sa bangka at tuluyang nahulog sa dagat. Kaya naman agad siyang dinala ni Andrew sa ospital.
Dahil sa sobrang pag-aalala kay Jenny, hindi na muna itinuloy ni Andrew ang balak na pag-aalis hanggang sa tuluyang gumaling si Jenny.
Sa muling pagbalik sa ospital para makuha ang resulta ng ginawang eksaminasyon sa kanya, dito na nalaman ni Jenny na mayroon siyang Leukemia.
Nang tanungin ni Andrew ang resulta ng eksaminasyon, nagsinungaling si Jenny at sinabing bumaba lamang ang kanyang dugo kaya siya palaging nahihimatay.
Binalaan na rin si Jenny ng kanyang doktor na maaaring bumigay ang katawan niya sa loob lamang ng apat hanggang anim na buwan dahil sa sakit na Leukemia.
Samantala, unti-unti nang nakakalakad si Yumi (Bela Padilla). Pero patuloy pa rin ang pag-aalala nito dahil hindi pa rin bumabalik si Johnny Dizon (Dingdong Dantes) sa studio niya.
Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives.
Samantala, balikan ang mga eksena sa Endless Love:
Endless Love: Jenny and Andrew escape from the real world | Episode 61
Endless Love: Jenny has Leukemia | Episode 62
Endless Love: Jenny is missing | Episode 63
Endless Love: Jenny is lonely without Johnny | Episode 64
Endless Love: Yumi, baldado na nga ba? | Episode 65