
Sa ikalabing-apat na linggo ng Endless Love, nalaman na ni Andrew Tantoco (Dennis Trillo) na may sakit na leukemia si Jenny Cruz (Marian Rivera).
At kahit na paulit-ulit siyang binibigo ni Jenny, handa pa ring gawin ni Andrew ang lahat para lamang matulungan itong gumaling. Dahil sa lagi nitong pag-aalala kay Jenny sa tuwing isinusugod sa ospital, inaya na ito ni Andrew na magpagamot sa Maynila.
Samantala, nalaman na ni Suzy Cruz (Janice de Belen) ang paghingi ni Jenny ng isang milyon kay Andrew kaya naman tinanong niya ang anak kung para saan ito gagamitin.
Dahil sa napapansing kakaiba kay Jenny, kinumpronta na ni Suzy ang anak kung may sakit ba ito at dito na inamin ni Jenny ang totoo sa ina. Bilang isang ina, pinalakas ni Suzy ang loob ni Jenny at sinabing huwag susuko sa sakit. Pumayag na rin itong sumama si Jenny kay Andrew sa Maynila para magpagamot.
Hindi naman naiwasan ni Johnny Dizon (Dingdong Dantes) na magalit at magwala nang malamang niloloko lamang siya ni Yumi Ramirez (Bela Padilla). Ipinagtapat sa kanya ng kaibigang si Nestor (Marco Alcaraz) na nakakalakad na si Yumi at hindi totoo ang sinasabi nitong habang buhay na siyang magiging lumpo.
Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives.
Samantala, balikan ang mga eksena sa Endless Love:
Endless Love: Andrew owns Jenny | Episode 66
Endless Love: Jenny suffers from Leukemia | Episode 67
Endless Love: Andrew wants to save Jenny | Episode 68
Endless Love: Suzy breaks down in tears | Episode 69
Endless Love: Too little too late Johnny | Episode 70