advertisement
TV

Dianne dela Fuente: Where is she now?

1 of 8

Acting debut

Unang napanood si Dianne dela Fuente sa youth-oriented comedy variety show na 'Ang TV' noong '90s. Nasundan ito ng iba't ibang proyekto partikular na ang mga teleserye sa kabilang istasyon. Naging parte rin siya ng isang variety show dahil sa kanyang talento sa pagkanta.

2 of 8

Early 2000

Early 2000 nang mag-boom ang acting career ni Dianne na nakilala noon bilang kontrabida sa isang popular na serye. Pero nang dahil sa kanyang pagbubuntis, nag-lie low muna siya sa showbiz. Nahinto rin ang kanyang album na ginagawa noon. Aniya, "That was one of the toughest moments of my life because I had my son when I was 21 at the peak of my acting and singing career...that was an emotionally trying time for me kasi breadwinner po ako ng family ko at that time. Then I got married so may anak na 'ko so medyo naging chaotic 'yung transition ko from being single to married woman."

3 of 8

Marriage

Sa edad na 21 years old nang mabuntis si Dianne, ngayo'y 40 years old na, sa kanilang unang anak ng kanyang nobyong businessman na si Ian Tiongson. Taong 2003 isinilang niya ang kanilang panganay at ikinasal din noong taong iyon. Sa ngayon, 19 years married na si Dianne at 19 years old na rin ang kanilang firstborn.

advertisement
4 of 8

Children

Nabiyayaan din si Dianne at kanyang mister ng pangalawang anak, isang babae na ngayon ay 16 na taong gulang na. Ayon sa aktres, may butas ito sa puso na isang rason din kung bakit niya nilisan ang showbiz noon para makapag-focus dito. Bahagi ni Dianne, "That was one of the reasons kung bakit 'di na nasundan 'yung second child ko. She's now 16, she's okay naman, boy and girl sila, but parang okey na 'ko sa dalawa para mabuhos mo talaga 'yung atensyon mo, 'yung love mo, and nag-stop din ako sa showbiz for some time to become a stay-at-home mom."

5 of 8

Business

Habang nag-lie low sa showbiz, naging abala si Dianne sa pagtulong sa family business ng kanyang mister, ang sikat na buffet restaurant chain na Cabalen na naghahain ng mga pagkaing Pinoy. Ilan taon din siyang naging general manager ng ilang branches nito partikular na sa Pampanga stores nito.

6 of 8

Showbiz comeback

Nag-resign bilang general manager ng buffet restaurant chain si Dianne bago pa mag-pandemic na nagbigay daan sa kanya na makabalik sa kanyang first love--ang acting. Walang paliguy-ligoy niyang sabi, "Kailangan rumaket."

advertisement
7 of 8

Supportive husband

Nakakuha naman ng suporta si Dianne sa kanyang mister sa muli niyang pagsabak sa showbiz. Sabi niya, "He was very supportive, 'yung husband ko up until now 'yung pagsasama namin, kahit na it's been 19 years, it's been strong with all the trials na dumaan sa 'min."

8 of 8

False Positive

Sa kanyang pagbabalik-showbiz, lalabas si Dianne sa Kapuso mini-series na 'False Positive' bilang isang 'Marites' na reporter. Mapapanood ang fantasy rom-com series simula May 2 pagkatapos ng 'First Lady' sa GMA Telebabad.