TV

Luis Hontiveros at Yvette Sanchez, mga kontrabida nina Xian Lim at Glaiza De Castro sa 'False Positive'

By Jansen Ramos

Sagot na ng showbiz newcomers na sina Luis Hontiveros at Yvette Sanchez ang drama sa upcoming fantasy rom-com series na False Positive.

Sina Luis at Yvette ang kontrabida sa mga bida ng serye na sina Xian Lim at Glaiza De Castro.

Gagampanan ni Luis ang papel na Devon Rosales, pinsan ni Edward, na gagampanan ni Xian.

Kanang-kamay ni Edward si Devon na may lihim na inggit sa pinsan niya.

Ayon kay Luis, "magpapakamot ng ulo" at kaiinisan ang role niya sa False Positive.

Nakaka-stress man ang role, nakatulong daw ang kanyang co-stars para mapagaan ang kanyang mood.

"Marami akong natutunan saka masaya kasi magaan sila katrabaho. They are all generous actors, hindi ko naramdaman na kailangan magpatumpik-tumpik ako o mag-ingay.

"They were very welcoming 'yung approach nila sa 'kin so it was easier for me to express myself and my character in them kasi nagbe-blend talaga 'yung mga batuhan namin," bahagi niya sa media conference ng False Positive noong April 13.

Samantala, "mambubuwisit" din daw ang role ni Yvette.

Lalabas si Yvette bilang Paulina Dare, ang secretary ni Edward na may gusto sa kanya. Aakitin niya si Edward hanggang may mangyari sa kanila. Magiging katunggali siya ni Yannie, na bibigyang-buhay ni Glaiza.

Bahagi ni Yvette, "Wala kami do'n sa comedy side e, sabi nga ni Luis mang-iinis kami."

Kahit baguhan, sinabi niyang nasa comfort zone na niya ang pagganap sa mga kontrabida roles.

"Masaya naman din po kasi no'ng na-discover ako puro 'yun naman po 'yung roles na pine-play ko so hindi naman din gano'n kahirap sa 'kin.

"At the same time, everyone is so nice and approachable. Si direk Irene (Villamor) super open s'ya sa suggestions para mas ma-execute namin 'yung eksena, nang ma-play namin' yung roles namin nang mas maayos."

Tampok din sa False Positive sina Nova Villa, Tonton Gutierrez, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Buboy Villar, at Herlene "Hipon" Budol.

Mapapanood ang False Positive simula May 2 sa GMA Telebabad.

Narito ang iba pang Kapuso artists na mapapanood sa GMA ngayong summer: