GMA Logo Glaiza De Castro and Xian Lim
Source: glaizaredux and xianlimm (IG)
What's on TV

Glaiza De Castro and Xian Lim's love team gets support from their respective partners

Published April 29, 2022 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro and Xian Lim


Ayon kina Glaiza De Castro at Xian Lim, marami silang kissing scenes sa 'False Positive' sa unang episode pa lang ng series.

I-e-explore ang buhay may asawa sa fantasy rom-com series na False Positive.

Pagbibidahan ito nina Glaiza De Castro at Xian Lim na gaganap na newly married couple.

Sa characters pa lang nila, sweet sa isa't isa ang kanilang roles. Ayon kina Glaiza at Xian, marami silang kissing scenes sa False Positive sa unang episode pa lang ng series.

Ayon kay Glaiza, doon pa lang ay nawala na ang kanilang ilangan ni Xian na first time niyang nakatrabaho.

"Parang nakakatawa lang, 'yun pa lang talaga na-break na namin 'yung walls," ani ng aktres.

Dugtong ni Xian, marami raw talaga silang kilig scenes ni Glaiza sa False Positive.

"The story starts off na newly married couple 'yung characters namin so 'yung kilig na project na 'to it's not a boy meets girl so let's see kung paano magbo-blossom. So I think nag-start 'yung story na at the height of their love for each other," bahagi ni Xian.

Sa mga teasers pa lang False Positive, makikita na ang chemistry nina Glaiza at Xian bilang love team na suportado ng kani-kanilang partners.

Ayon kay Glaiza, hinahayaan lang siya ng kanyang asawang Irish na si David Rainey sa kanyang trabaho. Gayunpaman, nag-e-effort din siyang ipaintindi rito ang kanilang setup sa trabaho.

Isang post na ibinahagi ni Glaiza De Castro (@glaizaredux)

"Si David naman gets n'ya naman 'yung trabaho ko 'tapos nagse-send din ako sa kanya ng mga pictures, mga videos namin.

"Of course, medyo weird kapag may mga sweet moments, naninibago pa rin s'ya pero very supportive naman s'ya.

"Never naman n'ya kinuwestiyon na bakit 'di mo ko tinatawagan or parang bakit sobrang wala ka nang time. So I make it a point pa rin talaga na to talk to him na slowly to introduce din 'yung mga co-actors ko, like si Xian no'ng time na nagvi-video call kami.

"Never s'yang nag-question at tinatanong pa nga n'ya kumusta naman sa set. Masaya na 'ko do'n sa part na 'yon."

Hanga raw si Xian sa foundation ng relasyon ng kanyang leading lady at ng mister nitong si David.

"'Yung pagka-solid ng foundation nila, nakakatuwa lang kasi lagi silang magkausap. He really looks like a very supportive guy," sambit ni Xian.

Sa case naman ni Xian, "no explanation needed" na raw pagdating sa girlfriend niyang si Kim Chiu dahil pareho silang nasa industriya.

Isang post na ibinahagi ni Xian Lim (@xianlimm)

"Sa amin naman ni Kim, it's more of pareho naman kaming nasa industry. Parang no explanation needed, parang we already understand 'yung mga requirements ng work namin.

"So we're very supportive with our individual projects."

Mapapanood ang False Positive simula Lunes, May 2, pagkatapos ng First Lady sa GMA Telebabad.

Maaari rin mapanood ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Ang False Positive ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Narito ang iba pang programang mapapanood sa GMA ngayong summer: