
Kapuso, maaari mong mapanood ang pilot week ng bagong GMA fantasy rom-com series na False Positive online.
Maaari mo itong i-stream anywhere in the country basta't ikaw ay may internet connection. Mapapanood ito sa official YouTube channel ng GMA Network mula May 2 hanggang May 6 sa oras nitong 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Sama-sama tayong tumawa, umiyak, at ma-in love sa False Positive na kauna-unahang Kapuso primetime series ng aktor na si Xian Lim. Dito ay makakatambal niya for the first time ang Asia's Acting Gem na si Glaiza De Castro.
Gabi-gabi ring mapapanood sa bagong handog ng GMA Telebabad ang mga bigating artista na sina Tonton Gutierrez, Alma Concepcion at Ms. Nova Villa.
Supporting actors man pero malaking parte ng kuwento ng False Positive ang roles nina Rochelle Pangilinan at Dominic Roco. Tampok din dito ang nagbabalik-seryeng si Dianne Dela Fuente.
Samantala, sagot na ng newbie actors na sina Luis Hontiveros at Yvette Sanchez ang drama sa False Positive dahil sila ang gaganap na mga kontrabida.
Kung may drama, sina Buboy Villar at Herlene "Hipon Girl" Budol naman ang bahala sa fantasy at komedya. Siguradong hahagalpak ka sa katatawa sa kanilang tandem bilang mythical characters na sina Malakas at Maganda.
#TeamBahay o #TeamOffice ka man, huwag palampasin ang world premiere ng False Positive ngayong Lunes, May 2, sa GMA.
Kung ikaw ay #TeamAbroad naman, bisitahin ang website ng GMA Pinoy TV para malaman kung paano mapapanood ang serye overseas.
Ang False Positive ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.
Narito ang iba pang Kapuso artists na mapapanood sa GMA ngayong summer: