TV

False Positive: Edward, kumpirmadong buntis!

By Jansen Ramos

Matapos makaranas ng pregnancy symptoms, kumpirmadong nagdadalang-tao si Edward (Xian Lim) sa bagong pinag-uusapang GMA Telebabad series na False Positive.

Sa episode ng fantasy rom-com kagabi, May 12, napatunayan ito ni Edward matapos magpa-ultrasound kasama ang misis na si Yannie (Glaiza De Castro).

Hindi naman maipaliwanag ng OB-GYN na si Froilan (Dominic Roco) kung paano nagkaroon ng fetus sa sinapupunan ng lalaki na nagbigay din ng confusion sa mag-asawa.

Ayon sa doktor, 10 weeks pregnant na si Edward. Nagkaroon naman ng idea si Yannie dahil kung tutuusin ay dapat sampung linggo na rin siyang buntis kung hindi nawala ang baby sa kanyang tiyan.

Hindi nakunan si Yannie kaya naisip niya na isa itong sumpa.

Dali-dali namang pumunta ang mag-asawa sa fountain kung saan nag-wish si Yannie na maranasan din ni Edward ang mga pinagdadaanan niya bilang buntis.

Paliwanag ni Yannie, nagawa niya ito dahil sa galit at tampo niya sa kanyang mister matapos siyang pabayaan nito at puro trabaho lang ang inatupag habang buntis siya sa kanilang anak.

Patuloy na subaybayan ang nakakalokang kwento ng False Positive, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ang full episodes ng four-week special series sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang False Positive ang unang primetime series ni Xian sa GMA. Pero bago ito, may ilan na rin siyang kinabilangang show na ipinalabas sa Kapuso network. Tingnan 'yan dito: