TV

Team 'My Family' ni Janina San Miguel, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Walang pressure at very confident na naipanalo ng team My Family ng dating beauty queen na si Janina San Miguel ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud nitong Martes, May 2.

Kasama ni Janina sa kaniyang team ang fellow beauty queen at Binibining Pilipinas International 2008 na si Patricia Fernandez, ang kaniyang manager na si Pia Borromeo at kaniyang kaibigan at fashion designer na si Nickky Martinez.

Sa nasabing episode, nakalaban naman nila ang pamilya Caluag ng paranormal investigator na si Ed Caluag, kaniyang mga pinsan na sina Liza, Ryan Caluag, at kaibigan na si Rhon Villar.

Sa kanilang paglalaro, panalo agad ang My Family sa first round sa score na 76 points.

Pagdating sa second round, nakabawi ang Caluag family sa score na 44 points nang makuha nila ang karamihan sa survey answers sa tanong na, “Kapag eleksyon, sino o ano ang makikita sa loob ng presinto?”

Sa third round, muling naka-score ang pamilya ni Janina kung saan nakabuo sila ng 232 points.

Pagdating sa fourth round, mas lalong umarangkada ang team My Family nang makuha nila ang last survey answer sa survey board sa tanong na, “Magagalit sa'yo ang asawa mo, kapag sinabi mong, 'Sweetheart nawawala ang ____ natin.'”

Ang final score ng team My Family ay 526 points habang ang Caluag Family naman ay 44 points.

Sa fast money round, sina Pia at Nicky ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 218 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Autism Society Philippines bilang napiling charity ng team My Family habang mayroon namang PhP50,000 ang Caluag Family.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KUMUSTAHIN NAMAN ANG BUHAY NGAYON NI JANINA SAN MIGUEL SA GALLERY NA ITO: