
Masayang-masaya ang pamilya ng aktor at dating matinee idol na si Cris Villanueva nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang muling paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Biyernes, May 19.
Kasama ni Cris sa kaniyang team ay ang kaniyang mga anak na sina Marley Carbonell, isang Psychology major, Wind Carbonell na dating National Development Team Rugby Player at kasalukuyang political consultant sa mga LGU, at ang kaniyang panganay na babae na si Zara Jimenez na isang book author at Miss Tourism Worldwide 2018.
Sa nasabing episode, nakalaban nila ang pamilya ng kapwa matinee idol noon na si Eric Fructuoso. Kasama naman ni Eric ang kaniyang anak na babae na si Una, ang kaniyang anak na lalaki na si Tres, at asawa nito na si Carlene.
Sa kanilang paglalaro, panalo ang Fructuoso Family sa first at second round ng game sa score na 92 points.
Sa third round, nakabawi ang pamilya ni Cris nang mahulaan nila ang survey answer sa tanong na, “Natutulog si mommy at daddy, gigisingin sila ng bata dahil ito ay…” Dito ay nakabuo sila ng 176 points.
Pagdating sa fourth round, hindi na binigyan ng pagkakataon nina Cris na makapuntos pa ang Fructuoso family nang makuha nila ang karamihan ng survey answers sa survey board.
Ang final score ng Villanueva Family ay 470 points habang ang Fructuoso Family naman ay 92 points.
Sa fast money round, sina Cris at Zara ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 204 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Samantala, makakatanggap naman PhP50,000 ang Fructuoso Family.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: