GMA Logo Family Feud
What's on TV

'Family Feud', magbabalik ngayong October sa GMA, 'Family Feud Kids', abangan!

By Jimboy Napoles
Published September 7, 2023 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Hulaan na muli ng top survey answers sa pagbabalik ng well-loved family game show sa buong mundo, ang 'Family Feud'!

Ngayong darating na Oktubre, muli nang mapapanood sa GMA ang pinakamasayang family game show na minahal ng buong sambayanan, ang Family Feud.

Kasama ang game master na si Dingdong Dantes, muling makihula sa nakakaaliw at nakaka-tense na survey questions na ibabato sa studio players.

Sa bagong season ng Family Feud, asahan ang mga bagong pakulo na mas lalong magpapa-excite sa mga manonood.

Sa pagbabalik ng programa, may chance na ring maglaro ang masisipag na Pinoy mula sa iba't ibang field o propesyon bilang non-celebrity players.

Bukod dito, for the first time sa history ng Family Feud franchise, magkakaroon ng special episodes kung saan mga batang 7 to 12 years old ang contestants.

Mas exciting din ang mga papremyo sa pagbabalik ng “Guess To Win” promo ng programa.

Nauna nang sinabi noon ni game master Dingdong na saglit lamang ang mangyayaring season break ng Family Feud at muli ring mapapanood ng solid viewers ang nasabing game show.

“Promise po, babalik po kami,” saad ni Dingdong noon sa isang interview.

Sa season one finale ng Family Feud, naiuwi ng sikat na P-pop group na SB19 ang PhP200,000 jackpot prize.

Sa muling pagbabalik ng well-loved family game show, sinong grupo kaya ang buena-manong mananalo?

Abangan ang Family Feud sa darating na Oktubre sa GMA!