
Simula na muli ng masayang hulaan at pamimigay ng papremyo sa pagbabalik ng pinakamasayang game show sa buong mundo, ang Family Feud!
Ngayong Lunes, October 2, mapapanood na muli ang nasabing programa kasama ang game master nito na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa pilot episode ng bagong season, buena manong maglalaro sa studio ang The Missing Husband stars na pinangungunahan nina Rocco Nacino at Jak Roberto.
Kasama ng Team Anton ni Rocco sina Sophie Albert, Michael Flores, at Bryce Eusebio. Makakalaban nila ang Team Joed ni Jak kasama sina Cai Cortez, Mark Comiso, at Daniel Bato.
Samantala, sa pagbabalik ng Family Feud, may chance na ring maglaro ang masisipag na Pinoy mula sa iba't ibang field o propesyon bilang non-celebrity players.
Bukod dito, for the first time sa history ng Family Feud franchise, abangan ang pagkakaroon ng special episodes kung saan mga batang 7 to 12 years old ang contestants.
Mas exciting din ang mga papremyo sa pagbabalik ng “Guess To Win” promo ng programa.
Tutukan ang pagbabalik ng Family Feud mamayang 5:40 p.m. sa GMA.