TV

Pamilya ni Victor Neri, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Napatalon sa saya ang aktor na si Victor Neri nang maipanalo nila ng kaniyang team ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Miyerkules, October 11.

Sa nasabing episode, kasama ni Victor ang kaniyang mga kapatid na babae na sina Rina Neri-Imperial, Nica Neri-Uy, at kaniyang brother-in-law na si Ewa Uy.

Nakalaban nina Victor ang pamilya ng aktor na sumikat din noong '90s na si Patrick Garcia. Kasama naman ni Patrick sa kaniyang team ang asawa niya na si Nikka Martinez-Garcia, mother-in-law na si Mikki Martinez, at kaniyang supportive mom na si Bing Velasco.

Sa kanilang paglalaro, panalo ang Neri Family sa first round sa score na 78 points. Pagdating sa second round, nakabawi naman ang Garcia Family sa score na 80 points.

Pagdating sa third round, na-steal muli ng Neri Family ang game, nang mahulaan nila ang survey answer sa tanong na, “Sa peryahan, ano ang una mong pinupuntahan?”

Nagtuloy pa ang panalo ng Neri Family sa fourth round. Ang final score ng Neri Family ay 506 points habang ang Garcia Family naman ay 80 points.

Sa fast money round, sina Victor at Ewa ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 214 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Bahay Kalinga. bilang napiling charity ng Neri Family.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.