
Good news mga masisipag na manggagawang Pinoy! Dahil puwede na kayong sumali at makihula bilang studio players sa highly-rating weekday game show ng GMA na Family Feud.
Ang bawat grupo na mapipili ay magkakaroon ng chance na manalo ng tumataginting na PhP200,000 jackpot prize!
Narito ang mga dapat gawin upang makasali:
1. Bumuo ng team na may apat na miyembro. Dapat ay 18 taong gulang pataas.
2. Dapat ay pare-pareho ng trabaho.
3. Ang mabubuong grupo ay dapat gumawa ng isang audition video.
Ano ang mga dapat gawin sa audition video?
1. Magpakilala kasama ang bawat pangalan ng miyembro, pangalan ng grupo, place of origin o pinagmulan, sabihin ang trabaho o pinagkakaabalahan.
2. Sabihin ang dahilan ng inyong pagsali at bakit kayo ang karapat-dapat na piliin upang maging studio players.
3. Ipakita sa audition video ang inyong pagiging makulit at masayahin. Puwedeng kumanta o sumayaw.
Saan ipapadala ang audition video?
1. Ang audition video ay dapat nasa 3-5 minuto lamang.
2. I-upload ang audition video sa Google Drive at lagyan ng pangalan o team name ang label ng file.
3. Kunin ang Google Drive link ng inyong entry o audition video at pumunta sa GMANetwork.com/FamilyFeudAuditions.
4. Hanapin ang “Submit Your Entry” link at i-send dito ang Google Drive Link ng inyong entry o audition video.
Ang mga interesadong sumali ay maaaring mag-submit ng kanilang audition videos hanggang December 3, 2023. Good luck, Kapuso Fam!
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.