
Fresh episodes na muli ang mapapanood sa paboritong game show sa hapon na Family Feud simula sa Lunes, January 8.
Matatandaan na muling ipinalabas ng programa nitong nagdaang holiday season ang ilang throwback episodes kung saan naglaro ang bigating celebrities.
Sa susunod na linggo, all-new episodes na muli ang mapapanood kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Ilan sa mga celebrity guest players na dapat abangan ay ang Pulang Araw stars at Team BarDa na sina Barbie Forteza at David Licauco, kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Makikihula rin ng top survey answers si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kasama ang kanyang Team MMD.
Bukod dito, abangan din ang ilang classic band, music artists, at online influencers na makikisaya sa hulaan.
Sa fresh start ng Family Feud ngayong bagong taon, bigatin ang mga papremyong ipamimigay hindi lamang sa studio players kung 'di pati sa Team Bahay dahil sa pagpapatuloy ng “Guess To Win” promo ng programa.
Kaya naman tumutok lamang sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes 5:40 p.m. sa GMA.
RELATED GALLERY: Malalaking showbiz personalities, naglaro sa bagong season 'Family Feud' ngayong 2023