GMA Logo David Licauco in Family Feud
What's on TV

Team ni David Licauco, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published January 8, 2024 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco in Family Feud


Congratulations, Team David!

Masayang-masaya si Pambansang Ginoo David Licauco nang maipanalo ng kanyang team ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Kapuso weekday game show na Family Feud.

Sa pagsisimula ng all-new episodes ng Family Feud ngayong 2024, buena-manong naglaro ang team ni David kasama ang team ng kanyang ka-love team na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Kasama ni David sa kanyang team ang kanyang mga kaibigan na sina Kapuso actor Dustin Yu, Biggie Lee, at Kurt Joshua Ong.

Bitbit naman ni Barbie sa kanyang team ang kanyang ama na tinawag niyang “Hottest daddy in the world” na si Tony Forteza, ang kanyang make-up artist for 12 years na si Fatima Mercado, at kanyang stylist na si Janra Raroque.

Sa kanilang paglalaro, panalo agad ang Team David sa first round sa score na 84 points.

Pagdating naman sa second at third round, nakabawi ng panalo ang Team Barbie sa score na 205 points.

Sa final round, muling na-steal ng Team David ang game nang mahulaan nila ang karamihan ng survey answers sa tanong na, “Kung sasakay ka ng tren, puwede kang hulihin kapag may dala kang ___…” Dito ay nakabuo sila ng 378 points na score.

Pagdating sa fast money round, sina David at Biggie ang naglaro. Dito ay nakaipon sila ng 218 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha nila ang jackpot prize na PhP200,000.

RELATED GALLERY: Malalaking showbiz personalities, naglaro sa bagong season 'Family Feud' ngayong 2023

Samantala, naghahanda na rin ngayon sina David at Barbie sa kanilang bagong serye na Pulang Araw kung saan kasama nila ang iba pang Kapuso stars na sina Alden Richards at Sanya Lopez.

Tumutok naman sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.