
Dalawang makukulay na personalidad ang magtatapat ngayong Miyerkules sa pagpapatuloy ng week-long 2nd anniversary special ng Family Feud.
Ang designer, columnist, philanthropist, at fashion icon na si Tessa Prieto ang leader ng Team Sea Princess.
Kasamang maglalaro ni Tessa ang kanyang mga kaibigan kabilang na ang restaurateur na si Nova Veluz; businesswoman at freedom and wellness advocate na si Shelly Lazaro, at sex therapist na si Dr. Rica Cruz.
Fifteen years ago huling naglaro si Tessa sa Family Feud at si Richard Gomez pa ang game master noon. Nabigo siyang manalo sa “Fast Money” round at pinag-usapan ang sagot niya sa tanong na, “Magbigay ng pagkaing mabaho.” Sa kalituhan, ang naisagot niya ay “'dumi.'” Umaasa si Tessa na makakapasok ulit siya ngayon sa 'Fast Money' round. Aniya, “Sana this time around, mas magaling ang mga answers ko… at may points!”.
Hahamunin sila ng Team Juana Change na pinangungunahan ng actor, director, book author, activist, at isa sa '2024 Women of Power' ng Philippine Daily Inquirer na si Mae Paner a.k.a. 'Juana Change.' Kasama naman ni Juana Change ang kanyang mga kaibigang kinabibilangan ng Prince of Jazz na si Richard Merk; designer, singer, at Palanca Award-winning writer na si Kate Torralba, at dating National Youth Commission Chair at ngayon ay propesor na si Leon Flores III.
Sino kaya ang magwawagi sa hulaan, ang Team Sea Princess o ang Team Juana Change?
Abangan ang masayang sagupaan nila ngayong Miyerkules, March 20, 5:40 PM bago mag-24 Oras sa GMA 7, kasama ang game master na si Dingdong Dantes. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel at sa GMA Network Kapuso Livestream.
RELATED GALLERY: 'My Guardian Alien,' 'Running Man Ph,' bigating celebrities, mapapanood sa week-long anniversary special ng 'Family Feud'