GMA Logo Walang Tulugan team sa Family Feud
Source: FamilyFeudPH/FB
What's on TV

Team Walang Tulugan, naharap sa matinding plot twist sa 'Family Feud'

By Kristian Eric Javier
Published March 23, 2024 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Walang Tulugan team sa Family Feud


Team Walang Tulugan, natalo nga ba o hindi?

Exciting ang mga nangyari sa finale ng anniversary week special ng afternoon game show na Family Feud kahapon, March 22. Muntik na kasing makuha bg isang team ang jackpot na P200,000. Ngunit ano itong twist na kanilang hinarap para makuha ang premyo?

Nagharap ang team ng Sparkle 10 na sina Rabiya Mateo, Faith Da Silva, Lianne Valentin, at Ashley Ortega at ang Walang Tulugan team kung saan nag-reunion sina Ken Chan, Buboy Villar, Yasser Marta, at Jak Roberto na nagsimula ang karera sa show na Walang Tulugan with the Master Showman ni German Moreno.

Panalo ang Walang Tulugan team na sumabak sa Fast Money Round!

Unang sumabak si Jak na nasagot lahat ang tanong at nagtala 198 na puntos. Kaya naman masaya si Ken nang siya ang sumalang dahil two points na lang ang kailangan niyang bunuin.


BALIKAN ANG BIGATING CELEBRITIES NA NAPANOOD SA ANNIVERSARY SPECIAL NG 'FAMILY FEUD' SA GALLERY NA ITO:

Ngunit nang magsimula ang round, walang maisagot ang Abot-Kamay na Pangarap actor sa kahit anong tanong ng Game Master na si Dingdong Dantes bukod sa huling tanong na 'Anong sport ang gumagamit ng bola?' na sinagot niyang 'Volleyball.' Ngunit isang point lang ang nakuha nito, na ikinadismaya ng buong team.

Dito na ipinaalam ni Dingdong na ang set of questions na sinagot nila ay isa lang prank at may iba silang set of questions na sasagutin.

Kitang-kita naman ang saya at pag-asa nina Jak, Ken, at ng kanilang buong team nang malaman na meron pa silang pag-asang mapanalunan ang jackpot.

Panoorin ang Fast Money Round ng Team Walang Tulugan dito: