GMA Logo Sparkle 10, Walang Tulugan
What's on TV

Malaking twist sa episode ng 'Family Feud' ngayong Biyernes, dapat abangan

Published March 21, 2024 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Sunday Mass - Diocesan Shrine of Jesus, the Divine Word | GMA News
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle 10, Walang Tulugan


Isang malaking twist ang magaganap sa episode ng Family Feud ngayong Biyernes, March 22.

Siguradong ikagugulat ng viewers ang kakaibang pangyayari sa episode ng Family Feud ngayong Biyernes, March 22, kung saan naglaban ang Sparkle 10 at ang mga co-hosts sa dating show ni Kuya Germs, ang Walang Tulugan with the Master Showman.

Ang Sparkle 10 ay kinakatawan nina Rabiya Mateo, Faith Da Silva, Lianne Valentin, at Ashley Ortega.

Muli namang nagsama-sama para buuin ang team Walang Tulugan (The Reunion) sina Ken Chan, Buboy Villar, Yasser Marta, at Jak Roberto. Bago pa maging talent ng Sparkle GMA Artist center, nagsimula ang career nilang apat sa Walang Tulugan.

“Hindi namin in-expect ang twist. Shookt talaga kami,” sabi ng isang member ng studio audience na nakasaksi sa pangyayari.

“Nakakaloka!” sabi naman ng isa.

Kung ayaw mong ma-miss ang shocking moment na ito, tutukan ang huling araw ng weeklong 2nd anniversary celebration ng Family Feud ngayong Friday, 5:40 PM sa GMA 7.

Mapapanood naman ang livestream sa official Family Feud Facebook at YouTube channels, pati na rin sa GMA Network and Kapuso Stream Facebook at YouTube channels.

RELATED GALLERY: 'My Guardian Alien,' 'Running Man Ph,' bigating celebrities, mapapanood sa week-long anniversary special ng 'Family Feud'