TV

Trending game show na 'Family Feud,' may piyestang pasabog simula sa May 1

Dahil ang buwan ng Mayo ay selebrasyon ng maraming kapistahan sa Pilipinas, ihahatid din ng Family Feud ang fiesta feels sa inyong mga tahanan.

Sa darating na May 1, lahat ay imbitado sa bonggang season premiere ng Family Feud kung saan mapapanood ang mga bagong pakulo na first-time mangyayari sa game show.

Sa bagong season, hindi na lamang studio players at studio audience ang makaka-experience ng saya ng panghuhula ng top survey answers dahil may iikot na rin na Family Feud booth sa iba't ibang barangay sa Metro Manila. Lahat ay puwedeng pumasok sa booth na ito at sumagot ng survey questions sa harap ng camera. Ang mga videos ng mga sasagot ay iko-compile at ipalalabas sa episodes ng Family Feud.

Bukod dito, ang mga entry ng online netizens na sumagot sa campaign na “Kayo Naman Ang Magtanong” sa social media ay babasahin mismo ng game master na si Dingdong Dantes at mapapanood din sa isang special segment.

Piyestang-piyesta na sa saya, piyestang-piyesta pa sa papremyo dahil linggo-linggo, magbibigay ang Family Feud ng 1 million pesos sa studio contestants, PhP 500,000 naman sa winners ng “Guess To Win Promo,” at PhP 100,000 naman sa chosen charities ng winning team na studio players.

Ngayong Mayo, abangan ang star-studded episodes ng Family Feud kasama ang cast members ng Abot-Kamay Na Pangarap, Voltes V: Legacy, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, All-Out Sundays, Sparkle 10 members, Miss Universe Philippines titlists, Miss Universe 2023 R'Bonney Gabriel, StarStruck alumni, SexBomb dancers, Viva Hot Babes, at ilan sa hosts ng flagship morning show ng GMA na Unang Hirit.

Sa ngayon, pinaghahandaan na rin ang episode kung saan mga anak ng celebrities naman ang maglalaro sa kids edition ng Family Feud habang ang celebrity parents nila ay uupo sa audience area upang sila ay i-cheer.

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.