GMA Logo Xian Lim
What's on TV

Xian Lim sinagot ang tanong na: 'Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo sa kanya?'

By Jimboy Napoles
Published May 10, 2024 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim


Ano kaya ang sasabihin ni Xian Lim, sakaling makasalubong niya ang kaniyang ex-girlfriend?

Exciting hindi lang para sa loyal viewers ng Family Feud kung 'di pati na rin sa mga “Marites” na mahilig sa chismis ang episode ng programa ngayong Biyernes, May 10.

Sasalang kasi ngayon as studio players ang cast ng bagong pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na Playtime na sina Xian Lim, Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo.

Makakalaban ng team Playtime ang Team Ystilo na pinangungunahan ng batikang singer-actress na si Vina Morales.


Sa segment na “Kayo Naman Ang Magtanong” ng Family Feud, kung saan bibigyan ng chance ang viewers na makapagtanong sa guests sa studio, tila na-corner ang aktor na si Xian dahil sa tanong na, “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo sa kanya?”

Game naman itong sinagot ng teammates ni Xian na sina Sanya, Coleen, at Faye, pero parang nag-aalangan na sumagot dito ang aktor noong una, pero hindi rin nagtagal ay nagsalita na rin ang aktor. Ang kaniyang nakakaintrigang sagot, sabay-sabay na alamin mamaya sa Family Feud.

Matatandaan na marami ang nalungkot nang maghiwalay sina Xian at ang It's Showtime host na si Kim Chiu noong December 2023.

Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma na ni Xian na siya ngayon ay in-a-relationship na sa film producer na si Iris Lee.

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.