GMA Logo Family Feud
What's on TV

'Family Feud' marks another high TV ratings

By Jimboy Napoles
Published July 17, 2024 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala humbled, grateful to represent PH after winning SEA Games gold
Remains of rebel killed in 2021 retrieved in MisOr
Dennis Trillo sa kanyang pagkapanalo sa AAA 2025: 'Hanggang ngayon nanginginig kamay ko'

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa 'Family Feud,' mga Kapuso!

Mahigit tatlong taon nang nagbibigay saya at papremyo araw-araw ang paboritong weekday game show ng mga Pinoy - ang Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Sa pagpasok ng ikatlong linggo ng Hulyo FUNalo ng programa nitong Lunes, July 15, nakakuha ito ng 9.6 TV ratings na higit na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa. Base ito sa preliminary overnight data ng NUTAM People ratings.

Bukod dito, trending din sa social media ang bawat episodes ng Family Feud.

Ngayong Hulyo, may mga bagong sorpresa ang game show kung saan nasa mahigit 2 million pesos ang papremyong ipamimigay.

Mas pinalawak kasi ang “Guess To Win” promo nito dahil maglalabas na rin ng survey questions sa GMA Afternoon Prime programs na puwedeng salihan ng TV audience.

Para sa buong detalye, panoorin ang video na ito:

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.