GMA Logo dingdong dantes on family feud
What's on TV

Dingdong Dantes, may special birthday episode sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published August 8, 2024 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes on family feud


Huwag palampasin ang special birthday episode ni Dingdong Dantes sa Family Feud ngayong Huwebes.

Isang special birthday episode ng game master na si Dingdong Dantes ang mapapanood ngayong Huwebes, August 8, sa paboritong game show sa buong mundo, ang Family Feud.

Present sa Family Feud studio mamaya ang pamilya ni Dingdong kasama ang kaniyang misis at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Maglalaro naman para sa episode na ito ang iba pang family relatives ni Dingdong - ang Team Dantes, at Team Gonzi.

Kabilang sa Team Dantes ang ina ni Dingdong na si Angeline Dantes, kaniyang mga kapatid na sina Vicki Dantes, at Trina Dantes-Quema, at kaniyang pamangkin na si Tyler Quema.

Binubuo naman ang Team Gonzi ng mga pinsan ng aktor na sina Arthur Solinap, Paulo Gonzalez, Carlo Gonzalez, at misis nito na si Luane Dy-Gonzalez.

Sa teaser ng special episode mamaya, mapapanood na si Marian naman ang nagtanong ng survey question sa studio players habang pinapanood siya ng mister niyang si Dingdong.

“Ano'ng salita ang nagsisimula sa letter 'M' ang puwedeng mag-describe kay Dingdong?” tanong ni Marian sa players.

Sa isa namang special segment, magbibigay naman ng instant cash prizes si Dingdong para sa studio audience.

Tuloy-tuloy lang sa pagtutok sa inyong paborito at patuloy na sinusuportahang weekday game show dahil sa Family Feud, AGOSTOdo na 'to!

Manood ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: #AgostoDos: Dingdong Dantes celebrates 44th birthday