
Matapos ang Hulyo FUNalo, mas AGOSTOdo pa ang saya at papremyo simula ngayong Agosto sa paboritong weekday game show sa buong mundo na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Ilan sa mga bigating celebrity players na maglalaro ngayong buwan sa Family Feud ay ang team ng comedian-actress na si Rufa Mae Quinto at ang sexy actress na si Diana Zubiri.
Maglalaro din sa nasabing programa ang ilan sa mga bagong P-pop at music bands gaya ng G22 at Alamat.
Bukod sa AGOSTodo na papremyo sa “Guess To Win” promo ng Family Feud, may inihahanda ring sorpresa para sa studio guests na live na nanonood sa programa.
Tuloy-tuloy lang sa pagtutok sa inyong paborito at patuloy na sinusuportahang weekday game show dahil sa Family Feud, AGOSTOdo na 'to!
Manood ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.