What's on TV

Carla Abellana, nagkuwento tungkol kay Delia Razon sa 'Family Feud' bago ito pumanaw

By Maine Aquino
Published March 18, 2025 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana in Family Feud


Carla Abellana: "Ang aking lola, beautiful!"

Ilang araw bago pumanaw ang beteranang aktres na si Delia Razon ay naging guest ang apo niyang si Carla Abellana sa Family Feud.

Sa taping na ginanap noong March 12 ay kinumusta ng Family Feud host na si Dingdong Dantes ang lola ni Carla. Si Delia o Lucy May G. Reyes sa totoong buhay ay pumanaw noong March 15.

Kuwento ni Carla, "Okay naman, malakas pa rin thankfully. Mag-95 na siya this year."

Itinanong din sa aktres kung gaano sila kadalas magkita ng kaniyang lola.

Ani Carla, "Bihira na lang. Siguro once a month nakikita namin siya kasi siyempre mas mahina na siya, prone to illnesses. Nag-iingat din kami na mag-visit sa kaniya."

Ipinakita rin sa programa ang side by side photos ni Carla at kaniyang lola Delia. Saad ni Dingdong, "Two beautiful of their generations, sinide by side natin."

Sagot naman ni Carla, "That's my lola! Ang aking lola, beautiful!"

Kahapon, March 16, nag-post si Carla ng malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kaniyang lola. Saad sa larawan na ibinahagi ni Carla, "Celebrating the life of Lucy May G. Reyes 'Delia Razon' August 8, 1930 - March 15, 2025."

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Samantala, sa isang Instagram post ngayong March 17, inilarawan naman ni Carla ang kaniyang lola. Anang Kapuso star, "The strongest, bravest, fiercest and most beautiful"

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Mapapanood ang pagbisita ni Carla sa Family Feud sa darating na Biyernes (March 21), 5:40 p.m. sa GMA Network.