GMA Logo Family Feud Philippines
What's on TV

First-ever 'Family Feud Kids All-Stars,' mapapanood ngayong April 2

By Maine Aquino
Published April 2, 2025 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Philippines


Abangan cutest and smartest young actors and actresses sa 'Family Feud Kids All-Stars' ngayong April 2!

Cute na cute na contestants ang magtatapat sa Family Feud ngayong April 2.

Ngayong Miyerkules, ipapalabas sa Family Feud ang first-ever Family Feud Kids All-Stars. Ang Family Feud Philippines ay ang kauna-unahang franchise na nagkaroon ng kiddie contestants.

Tampok sa episode ngayong April 2 ang tapatan ng cutest and smartest young actors and actresses.

Kabilang sa The Tiny Titans sina Raphael Landicho, Euwenn Mikaell, Tori Baker, at Cassy Lavarias. Makakatapat nila sa episode na ito ang The Little Darlings na kinabibilangan naman nina Jordan Lim, Arhia Faye, Ethan Hariot, at Juharra Asayo.

Abangan ang tapatan na ito at ang kanilang bonding kasama ang award-winning host na si Dingdong Dantes sa Family Feud. Mapapanood na ito ngayong Miyerkules, April 2, 5:40 p.m. sa GMA Network.

Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. para sa winner ang summer episodes ng Family Feud sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.