GMA Logo Family Feud
What's on TV

Kilig at tapatan ng 'Sing Kilig' contestants, mapapanood sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published May 23, 2025 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilig afternoon na may tapatan sa survey hulaan ang ating mapapanood ngayong May 23 sa 'Family Feud!'

Nakakakilig na Biyernes ang inihandang fresh episode ng Family Feud.

Ngayong May 23, makakasama ni Dingdong Dantes ang standout performers ng "Sing Kilig". Ang Sing Kilig ay ang blind dating competition na napapanood tuwing Linggo sa All-Out Sundays.

Mula sa Team Kilig For You, maglalaro sina McJeam Ariexs, Nami Miyamoto, Don Banta, at Lime Aranya.

Hindi naman papahuli sina Calista Nalla, Nathan Randal, Esther Mounter, at Akira Kurata para sa Team Kilig Me Softly.

Saksihan ang kanilang sweet musical moments at pagalingan sa survey hulaan ngayong Biyernes ng hapon sa Family Feud!

"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.