
Maglalaban sa isang exciting episode ng survey hulaan ng Family Feud ang The Clash judge and alumni.
Bago magsimula ang biritan sa The Clash 2025 sa June 8, magpapagalingan muna ang judge at alumni ng Philippines' all-original singing and reality search sa Family Feud. Makakasama ni Dingdong Dantes ang Team Clash 2025 at ang Team Clash Champs.
Mula sa Team Clash 2025 maglalaro ang The Clash judge Christian Bautista. Sasamahan siya nina The Clash alumn, Kapuso Soul Balladeer and musical theater artist Garrett Bolden; Kapuso Pop Rocker and musical theater artist Anthony Rosaldo; at The Clash 2024 Runner-up Chloe Redondo.
Maglalaro naman sa Team Clash Champs ang former The Clash grand winners. Kasali rito sina Power Cebuana Diva and Season 3 Grand Champion Jessica Villarubin; Season 4 Grand Champion Mariane Osabel; Season 5 Grand Champion John Rex; at Season 6 Grand Champion Naya Ambi.
Abangan ang kanilang exciting na tapatan sa Lunes sa Family Feud!
"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP20,000.