
Ang pride of the Philippines na beauty queens at fashion designers ang magiging bahagi ng Family Feud ngayong Miyerkules.
Sa June 4, fabulous face-off ang inihanda ng Family Feud. Ipakikilala ng Family Feud host na si Dingdong Dantes ang dalawang teams na magpapagalingan.
Ang unang sasabak sa Family Feud stage ay ang Team Pinay Pride sa pangunguna ni Miss Eco International 2025 at mula sa Iloilo na si Alexie Brooks. Kasama sa Team Pinay Pride si Miss Philippines Charm 2025 at beauty queen from Pampanga na si Cyrille Payumo; ang Miss Philippines Supranational 2025 at beauty queen from Baguio na si Tarah Valencia; Miss Eco Teen International third runnerup at beauty queen from Palawan na si Raven Doctor.
Makakalaban nila ang brilliant Filipino fashion designers mula sa The Queen Makers. Maglalaro sa team nila si Rian Fernandez. Siya ang nagdisenyo ng gown ni Alexie sa Miss Eco International. Siya rin ang bumuo ng winning gowns nina Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel and Miss Universe Thailand 2024 Opal Chuangsri. Kasama niya si Benj Leguiab IV, na nagdisenyo ng winning gown ni Miss International 2022 Jasmin Selberg of Germany. Siya rin ang gumawa ng gown ni Cyrille sa Miss Tourism International 2019.
Parte rin ng The Queen Makers sina Ehrran Montoya na nakilala sa kaniyang bold and creative pieces tulad ng Dyesebel costume ni Ahtisa Manalo at baroque church-inspired national outfit ni Dia Mate. Kukumpleto sa kanilang grupo si Ryan Ablaza Uson (RAU). Siya naman ang bumuo ng stunning gown na sinuot ni Miss Universe Philippines 2025 First Runnerup, Winwyn Marquez,
Abangan ang kanilang exciting and fabulous face-off sa Miyerkules sa Family Feud!
Manood ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.