
Ngayong Martes, ang trending personality at childhood crush ni Kathryn Bernardo ang bibisita sa Family Feud. Kasama niya sa pagsabak sa survey hulaan ang kaniyang medical colleagues para harapin ang team of pilots.
Mula sa Team Doctors, maglalaro si Dr. Kenneth Hizon ang general physician mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija na nag-trend nang ma-reveal na siya ang first crush ni Kathryn. Sa kaniyang pagbisita, ibabahagi niya ang kanilang backstory at kuwento ng pagiging batchmates.
Kasama ni Dr. Kenneth na maglalaro ngayong Martes ang kaniyang former medical classmates na sina Dr. Jenina Valino-Carandang, ang general physician from San Ildefonso, Bulacan; Dr. Froilan Gabriel, ang general practitioner from Cabanatuan City, Nueva Ecija; at Dr. Ayah Logatoc, ang general physician mula sa Lingayen City, Pangasinan.
Makakatapat nila sa episode na ito ang Team Captains. Sila ang childhood friends na nangarap maging piloto, nag-enroll sa iisang aviation school, at mga pilot na para sa Philippine government. Mangunguna sa Team Captains si Captain Rochmond "Roch" Santos. Siya ay former UAAP swimming champion mula sa La Salle at mula sa pamilya ng mga piloto.
Kabilang naman sa Team Captains ang fellow pilots na sina Capt. Michael Prudente, Capt. Kevin De La Vega, a former DLSU Green Spiker, and Capt. Jean Andal.
Tutukan ang exciting na tapatan na ito ngayong Martes (June 10) sa Family Feud!
“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.