GMA Logo Family Feud June 13 2025 episode
What's on TV

World-class performing arts groups, magpapakita ng husay sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 13, 2025 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud June 13 2025 episode


Tutukan ang tapatan ng Halili-Cruz School of Dance at ng Sindaw Philippines sa 'Family Feud!'

Mga hinahangaang performing arts groups ang ating makakasama ngayong Biyernes sa Family Feud!

Ngayong June 13, mapanonood sa Family Feud ang pag-perform ng Sindaw Philippines team ng traditional folk dance na "Maglalatik." Ipapakita naman ng Halili-Cruz School of Dance ang kanilang professional ballet skills bago magsimula ang pagalingan sa paghula ng top answers.

Ang magko-compete sa classic survey-style game show ang Halili-Cruz School of Dance na kinabibilangan ng dance teachers and award-winning professional dancers na sina Julia Camille Mazo, Phoemela Angela Esluzar, Selina Noel, at Alexa Vicencio.


Makakatapat nila sa episode na ito ang Sindaw Philippines' folk dancers na sina Franz Bato, Ezrael Casasola, Melchor Quijano, at Jhong Balunsay.

Abangan ang episode na puno ng talent at teamwork sa Family Feud ngayong June 13!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.