
Pagkatapos ng world premiere ng My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, makikisaya naman ang stellar cast nito sa Family Feud!
Ngayong June 23, saksihan ang pagalingan sa paghula ng top answers ng mga artistang tutukan sa My Father's Wife.
Ibibida sa episode ngayong Lunes ang Team Gina at Team Robert. Ang karakter na Gina ay ginagampanan ni Kylie Padilla. Samantala, si Robert naman ay ang karakter ni Gabby Concepcion sa My Father's Wife.
Maglalaro sa Team Gina sina Jak Roberto, Angela Alarcon, Arlene Muhlach, at Dani Ozaraga. Mula naman sa Team Robert mapapanood ang grupo nina Kazel Kinouchi, Jade Tecson, Snooky Serna, at Sue Prado.
Abangan kung sino ang magwawagi sa pinakamasayang family game show sa buong mundo! Tutukan ito ngayong Lunes (June 23) sa Family Feud!
“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.