GMA Logo Marian Rivera at Dingdong Dantes in Family Feud
What's on TV

Marian Rivera at Dingdong Dantes, may kilig performance sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 27, 2025 1:48 PM PHT
Updated June 27, 2025 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera at Dingdong Dantes in Family Feud


Abangan ang exciting performance nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at cast ng 'Stars on the Floor' sa 'Family Feud!'

Nakakakilig na Biyernes ang mapapanood sa Family Feud stage dahil magsasama ang host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa pagbabalik ni Marian sa Family Feud ngayong June 27, makakasama siya ni Dingdong sa pag-perform ng trending TikTok dance craze.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

Makakasama ni Marian sa pagbisita sa Family Feud ang host, dance authorities, at celebrity and digital dance stars sa Stars on the Floor. Ipapakita pa ng Dance Royalty at Superstars on the Floor ang kanilang husay sa sayawan bago ang kanilang friendly guessing game sa Family Feud stage.

Tampok sa team Dance Royalty ang grupo ni Marian na kinabibilangan ng fellow dance authority and Star Comedienne of the Dance Floor na si Pokwang. Kasama rin nila si celebrity dance star and Sang'gre Flamarra na si Faith da Silva; at ang celebrity dance star na si Rodjun Cruz.

Stars on the Floor in Family Feud

Magiging team leader ng Superstars on the Floor ang host ng Stars on the Floor at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards. Kasama niyang maglalaro sa Family Feud ang Korean dance star na si Dasuri Choi; ang Treadmill digital dance star na si Kakai Almeda; at digital dance star at former Hashtag member na si Zeus Collins.


Abangan ang exciting face off ng Stars on the Floor sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ngayong Biyernes (June 27) sa Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.