GMA Logo Team Dantes on Family Feud
What's on TV

Marian Rivera, Zia, at Sixto, binisita si Dingdong Dantes sa set ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published March 15, 2022 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Team Dantes on Family Feud


Masaya si Dingdong Dantes sa ginawang pagbisita ng kanyang mag-iina sa set ng bagong family-oriented game show sa GMA na 'Family Feud.'

Full support na bumisita sina Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia Dantes at Sixto Dantes sa set ng Family Feud kung saan host ang kanilang padre de pamilya na si Dingdong Dantes.

Sa isinagawang mediacon ng upcoming game show ng GMA, masaya na ikinuwento ni Dingdong kay 24 Oras showbiz correspondent na si Aubrey Carampel ang naging pagbisita sa kanya ng kanyang mag-iina.

Habang nagte-taping daw sila ng isang episode ng programa, nagulat na lamang siya nang makita sa studio ang kanyang misis na si Marian at mga anak na sina Zia at bunsong si Sixto na first time raw makita ang kanyang trabaho.

Aniya, "Kasi parati kapag nagpapaalam ako [magtatanong siya] 'Saan ka pupunta Daddy?' [sasagutin ko] 'I have to go to work.' 'Where's your work?' sabi ko 'Sa GMA.'"

Pagbabahagi pa ni Dingdong, manghang-mangha at hindi raw makalimutan ni Sixto ang smoke effect sa Family Feud studio.

Kuwento niya, "Medyo nagulat nga siya doon sa smoke effect kasi ang lakas ng pyro, parang nagulat siya hanggang pag-uwi hindi niya makalimutan. Sabi niya 'There's white smoke in dad's work' manghang-mangha siya."

Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ITO:

Abangan ang Family Feud simula March 21, 5:45 ng hapon sa GMA.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang pamilya ng Team Dantes sa gallery na ito.