TV

Marian Rivera congratulates husband Dingdong Dantes on 'Family Feud' premiere

By Jimboy Napoles

Happy and proud si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kanyang asawang si Dingdong Dantes sa pagsisimula ng bagong programa nito na Family Feud ngayong Lunes, March 21.

Si Dingdong ang napiling game master ng nasabing game show, kung saan ipinakita raw ng aktor ang kanyang pagiging kwela at makulit kasama ang maraming celebrity guest players.

Sa Instagram, ipinost ni Marian ang larawan ng kanyang mister habang nasa set ng Family Feud. Kalakip ng larawan ay ang sweet message niya para sa asawa.

"Congratulations Dada! Family Feud is finally airing today," sulat ni Marian sa kanyang post.

Dagdag pa ng celebrity mom, "I know how excited you are about this project and I'm just as excited to watch you as you bring more happiness to Filipino viewers."

Agad naman na nagkomento sa post na ito si Dingdong at binalikan ang sweet message ni Marian.

Aniya, "Salamat love. Para sa pamilya! Can't wait for you to guest and play!"

Hindi naman ito ang unang beses na nagbigay suporta si Marian para sa bagong proyekto ng kanyang asawa dahil kamakailan ay ibinahagi mismo ni Dingdong sa isang panayam na binisita siya ng kanyang mag-iina habang nasa taping. Sa katunayan, nag-enjoy nga raw ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto na namangha raw sa loob ng studio.

Kuwento niya, "Medyo nagulat nga siya doon sa smoke effect kasi ang lakas ng pyro, parang nagulat siya hanggang pag-uwi hindi niya makalimutan. Sabi niya 'There's white smoke in Dad's work,' manghang-mangha siya," ani Dingdong sa interview.

Manood at tumutok sa Family Feud, tuwing 5:45 ng hapon sa GMA.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang pamilya ng Team Dantes sa gallery na ito: