TV

Team 'Bubble Gang,' ikatlong jackpot prize winner sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles

Winner ang episode ng Family Feud Philippines ngayong Lunes (April 4), matapos manalo ng PhP 200,000 jackpot prize ang Team Bubble Gang na binubuo ng Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena, at Diego Llorico.

Sa episode na ito nakalaban ng Team Bubble Gang ang Team Babae Po Kami na binubuo naman nina Tuesday Vargas, Mosang, Dang Cruz, at Chichirita.

Leading ang Team Babae Po Kami sa first at second round ng game show ngunit na-steal ng Team Bubble Gang ang laro sa third round na naging daan nila upang makapasok sa final round.

Nakabuo ang kanilang team ng lagpas sa 200 points sa final round na kinakailangan upang maiuwi ang ang PhP 200,000 jackpot prize.

Ang Team Bubble Gang ang ikatlong jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Naunang nanalo ang Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang sa pilot week ng nasabing programa. Sinundan sila ng Team TikTokerist na binubuo ng social media influencers na sina Christian Antolin, Ate Dick, Pipay, at Gaiapoly.

Samantala, makakatanggap din ng PhP 20,000 ang chosen charity ng Team Bubble Gang.

Tumutok sa Family Feud, weekdays, 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world-class studio ng Family Feud sa gallery na ito.