GMA Logo Family Feud Moreno Family
What's on TV

Moreno Family, ika-6 na jackpot prize winner sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published April 26, 2022 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Moreno Family


Ang Moreno family ang ikaanim na jackpot prize winner ng 'Family Feud Philippines.'

Naiuwi ng Moreno family ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa episode ng Family Feud ngayong Martes, April 26.

Ang team Moreno family ay binubuo mismo ng mga kamag-anak ni Master Showman Kuya Germs na sina Federico Moreno, Harlene Bautista, Luis Gabriel Moreno, at Jaime Moreno.

Sa nasabing episode nakaharap nila ang mga anak din ni Kuya Germs mula sa That's Entertainment na sina Tina Paner, Ricky Rivero, Sharmaine Arnaiz, at Robert Ortega.

Nakuha ng Moreno family ang pinakamataas na score sa third round ng game na naging daan upang maungusan ang kalabang team.

Sina Federico at Jaime ang naging pambato ng kanilang team upang maglaro sa fast money round kung saan nakabuo sila ng 232 points na pasok upang maiuwi ang jackpot prize.

Ang Moreno family ang ikaanim na jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Una itong naipanalo ng Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang sa pilot week ng nasabing programa. Sinundan sila ng Team TikTokerist na binubuo ng social media influencers na sina Christian Antolin, Ate Dick, Pipay, at Gaiapoly. Ikatlo ay ang Team Bubble Gang kasama ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena, at Diego Llorico. Ikaapat naman ay ang Team Gameboys na sina Elijah Canlas, Sue Prado, Kych Minemoto at Miggy Jimenez. Habang ikalimang panalong grupo naman ang Team Fit and Fab nina Rochelle Pangilinan, Luane Dy, Max Collins, at Noelle Samson.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Mowelfund Film Institute bilang chosen charity ng Moreno family.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website gamit ang link na nasa ibaba upang mapanood ang live streaming.

Samantala, kilalanin naman sa gallery na ito ang ilang miyembro ng That's Entertainment noon na proud mommies na ngayon.