GMA Logo Marian Rivera and Dingdong Dantes
What's on TV

Marian Rivera, maglalaro sa 'Family Feud' ngayong Biyernes

By Jimboy Napoles
Published May 6, 2022 10:56 AM PHT
Updated May 10, 2022 12:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Dingdong Dantes


Mapapanood si Marian Rivera sa special episode ng 'Family Feud' ngayong Biyernes.

Isang espesyal na episode ng Family Feud ang mapapanood ngayong Biyernes (May 6) sa GMA, dahil ang misis mismo ni game master Dingdong Dantes na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang isa sa mga maglalaro at makikihula ng top answers sa survey questions.

Sa inilabas na teaser ng programa, kasama ni Marian ang ilan sa mga kamag-anak nila ni Dingdong. Kabilang na rito ang kaniyang sisters-in-law na sina Trina, Vicki, Aya, at sina Kapuso stars Carlo Gonzales at Arthur Solinap.

Mapapanood din sa video teaser na game na game si Marian na makipagkulitan sa kaniyang mister habang naglalaro sa game show pero maiuwi kaya ng aktres ang Php200,000 jackpot prize? Abangan 'yan mamaya sa Family Feud, 5:45 p.m. sa GMA

Panoorin ang teaser sa ibaba:

Samantala, panoorin naman ang Mother's Day special na inihanda nina Dingdong at Marian na MISS U: A Journey to the Promise Land ngayong May 7, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Balikan ang kilig photos nina Marian at Dingdong sa gallery na ito.