GMA Logo Family Feud with Rita Daniela
What's on TV

De Guzman Family ni Rita Daniela, wagi ng PhP200,000 sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published May 24, 2022 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud with Rita Daniela


Congratulations, De Guzman Family!

Wagi ng PhP200,000 jackpot prize ang De Guzman family na pinangungunahan ng multi-talented actress na si Rita Daniela sa kanilang paglalaro sa episode ng Family Feud ngayong Martes (May 24).

Kasama ni Rita na naglaro sa nasabing game show ang kanyang mga kapatid na sina PBA barker Roy Sotero, Onin Iringan at kanilang pinsan na si Jonamae Lopez.

Dito ay nakalaban nila ang pamilya ng batikang aktres na si Yayo Aguila kasama ang panganay na anak nito na si Pat Martinez at kanyang boyfriend na si Emmar Quicho, kasama pa ang kanyang paboritong pinsan na si Katrin Hollero.

Sa nasabing episode, dikit ang laban ng dalawang team sa first and second round, pero nakaungos ng score ang Team Yayo sa third round pero na-steal pa ng De Guzman family ang game sa fourth round kung saan nakaipon sila ng 306 points.

Napatalon naman sa saya si Rita nang makakuha sila ng 208 points sa last at fast money round na pasok upang makuha ang PhP200,000 jackpot prize.

Dahil dito, ang team nina Rita na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Sinundan nila ang team Abrenica nd Reyes family ng celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert na wagi rin ng jackpot prize noong nakaraang linggo.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, mas kilalanin naman ang tinaguriang breakthrough actress na si Rita gallery na ito: