
Matagumpay na nadepensahan ng Team Bubble Gang ang kanilang titulo na pagiging jackpot prize winner sa pinag-uusapang game show ngayon sa Pilipinas na Family Feud.
Sa episode ng nasabing programa ngayong Biyernes (May 27), panalo ng PhP200,000 ang cast ng comedy gag show na sina Valeen Montenegro, Archie Alemania, kasama ang bagong Kababol na si Dasuri Choi, at kanilang direktor na si Frasco Mortiz.
Nakalaban nila ang mahusay na cast ng upcoming drama series na Bolera, sa pangunguna ng lead actress nito na si Kylie Padilla. Dala ni Kylie sa kanyang team sina Jak Roberto, Joey Marquez, at Via Veloso.
Dikit man ang laban ng dalawang team sa mga unang round, naungusan ng Team Bubble Gang ang Team Bolera sa third round kung kaya't sila ang naglaro sa final round.
Sina Valeen at Archie ang naglaro sa Fast Money round kung saan nakabuo sila ng 213 points na sobra pa sa kinakailangang score upang maiuwi ang ang PhP200,000 jackpot prize.
Unang nanalo ang Team Bubble Gang noong April 4 kasama ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena at Diego Llorico.
Ang Team Bubble Gang na rin ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon. Sinundan nila ang De Guzman family, ang pamilya ng aktres na si Rita Daniela na nanalo nito lamang Martes, May 24.
Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.
Samantala, kilalanin naman ang mga bagong cast ng longest-running comedy gag show sa bansa na Bubble Gang sa gallery na ito: