GMA Logo Family Feud Del Rosario Family
What's on TV

Martin Del Rosario and family, wagi ng jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published June 2, 2022 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Del Rosario Family


Congratulations, Del Rosario Family!

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang pamilya ng multi-awarded actor na si Martin Del Rosario sa kanilang paglalaro sa episode ng Family Feud ngayong Huwebes (June 2).

Nagwagi ang Del Rosario family laban sa pamilya ng aktres at cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Head to head man ang laban ng dalawang team sa mga unang round, naungusan naman ng Del Rosario Family ang Sarrosa Family sa third round kung kaya't sila ang naglaro sa final round.

Sina Martin at kanyang ina na si Tet Del Rosario ang sumalang sa Fast Money round kung saan nakabuo sila ng 200 points na sakto upang makuha ang jackpot prize.

Ang Del Rosario family na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon. Sinundan nila ang Team Bubble Gang na binubuo nina Valeen Montenegro, Archie Alemania, ang bagong Kababol na si Dasuri Choi, at kanilang direktor na si Frasco Mortiz na nanalo noong nakaraang linggo, May 27.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Silipin naman ang ilan sa jaw-dropping photos ni Martin del Rosario sa gallery na ito: