TV

'Family Feud' Philippines, nangunguna pa rin sa ratings!

Patuloy na minamahal at tinututukan ng maraming manonood ang good vibes na game show ng GMA na Family Feud at mas marami pa ang nahu-hook dito kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Patunay dito ang mataas na ratings na nakukuha ng naturang programa at trending episodes na laging pinag-uusapan online.

Noong Biyernes, September 2, tumabo sa 13.5 percent ang ratings ng show na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Noong Martes, September 6, umabot naman sa 12.5 percent ang ratings ng show na mas mataas pa rin kumpara sa mga katapat na programa.

Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, weekdays 5:40 p.m. sa GMA!

BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGBISITA NI KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: