
Bago magsimula ang kanyang first-ever Kapuso teleserye na Start-Up Ph, sumalang muna sa hulaan ng top survey answers sa Family Feud ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo kung saan naipanalo pa ng kanyang team ang PhP200,000 jackpot prize laban sa kalabang team na pinangungunahan ng kanyang leading man na si Alden Richards.
Sa nasabing episode ng game show ngayong Biyernes, September 23, kasama ni Alden ang kanyang team na Start-Up heartthrobs na sina Jeric Gonzales, Royce Cabrera, at Kaloy Tingcungco. Girl power naman ang dala ng team ni Bea na Sandbox beauties kasama sina Jackie Lou Blanco, Ayen Munji-Laurel, at Brianna Bunagan.
Panalo ang team Start-Up Heartthrobs sa first round ng game sa score na 39 points pero nakabawi ang Sandbox Beauties sa second round sa score na 77 points.
Muli namang nakuha ng team ni Alden ang game sa third round sa score na 225 points pero pagdating sa fourth round, nakakuha ng perfect scores ang team ni Bea na umabot sa 339 points na mas mataas sa team ni Alden. Dahil dito, ang team Sandbox Beauties ang dumiretso sa last round.
Sa last round o fast money round sumalang sina Bea at Jackie Lou, kung saan matagumpay silang nakakuha ng 226 points na lagpas pa sila sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Abangan naman ang pagsisimula ng newest Kapuso Primetime series na Start-Up Ph ngayong Lunes, September 26, pagkatapos ng Lolong.
Tumutok naman sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.
KILALANIN NAMAN ANG STAR-STUDDED CAST NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: