TV

Team Hunkylicious, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Wagi ng PhP200,000 jackpot prize ang team Hunkylicious sa kanilang paglalaro sa trending game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes ngayong Martes, October 25.

Binubuo ang team Hunkylicious ng mga sexy actor na tinilian at kinagiliwan ng mga kababaihan noong dekada nobenta na sina JC Castro, Anton Bernardo, Jethro Ramirez, at Raffy Anido.

Sa nasabing episode, nakalaban nila ang team Sexylicious na binubuo naman ng mga '90s sexy actresses na sina Sabrina M, Yda Manzano, Alma Soriano, at Margarita Milan.

Leading ang team Sexylicious sa unang round ng game sa score na 84 points pero nakabawi ang team Hunkylicious sa second round sa score na 38 points pero muling nakapuntos ang team Sexylicious sa third round sa score na 240 points. Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, nahulaan ng team Hunkylicious ang huling sagot sa survey board kung kaya't nakakuha sila ng score na 329 points.

Dahil dito, ang nasabing team ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama ang team captain na si JC, at team member na si Jethro. Sa round na ito, nakabuo ang dalawa ng 204 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG SEXY STARS OF THE '90S SA GALLERY NA ITO: