
Maghahatid ng "Limitless" kilig ngayong Miyerkules, November 23, ang celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa trending weekday game show ng GMA --- ang Family Feud.
Kasama ng JulieVer sa kanilang team ang former Return To Paradise actor na si Derrick Monasterio at Sparkle heartthrob na si Mavy Legaspi.
Makakalaban ng team Limitless Kilig ang Kapuso singers o Queendom na sina Hannah Precillas, Mariane Osabel, Jeniffer Maravilla, at Lyra Micolob.
Sa teaser ng episode ng nasabing game show ngayong araw, game na game na sumalang sa hulaan ng top survey answers sina Julie at Rayver na hindi pa napigilan ang sweetness sa isa't isa.
Nang ipakilala ni Julie si Rayver sa game master na si Dingdong Dantes, ito ang kanyang sinabi, "Ito ang number one para sa akin," sabay turo kay Rayver.
Panoorin ang teaser ng Family Feud episode ngayong Miyerkules, DITO:
Samantala, apapanood din sina Julie at Rayver sa kanilang first-ever concert together na 'JulieVerse' ngayong November 26 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Makakasama naman nina Julie at Rayver sa concert ang kanilang mga kaibigan at Sparkle sweethearts na sina Mavy at Kyline Alcantara.
Para sa tickets at iba pang impormasyon tungkol sa concert, bumista lang sa www.gmanetwork.com/synergy o kaya naman ay sa www.ticketworld.com.ph.
Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JULIE ANNE SAN JOSE AT RAYVER CRUZ SA GALLERY NA ITO: