
Nagbigay ng pasasalamat ang GMA Kapuso Foundation, Angat Buhay Foundation at Pawssion Project bilang “top answer” na chosen beneficiaries ng mga winning team sa weekday game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Matatandaan na ang bawat winning team sa nasabing programa ay mayroong PhP20,000 na additional cash prize na kanilang ibinibigay sa kanilang napiling charity.
Kabilang sa mga chosen beneficiary na makatatanggap ng donation na ito ay ang GMA Kapuso Foundation, Angat Buhay Foundation, at Pawssion Project.
Sa video message na natanggap ng Family Feud, nagpasalamat ang GMA News anchor at Ambassador and Special Adviser ng GMA Kapuso Foundation na si Mel Tiangco sa naturang show.
Ayon kay Mel, umabot na sa PhP670,000 ang donasyong kanilang natanggap mula sa mga nanalo sa game show.
Aniya, “Sa loob lamang ng isang taon, nakatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng six hundred seventy thousand pesos na atin namang nagamit o kaya ay ginagamit pa sa iba't ibang proyekto ng GMA Kapuso Foundation.”
Dagdag pa ni Mel, “Makakaasa po kayo na ang inyo pong donasyon ay makakarating sa ating mga kababayan na nangangailangan saan mang sulok ng bansa. Muli, maraming maraming salamat Family Feud.”
Bukod kay Mel, nagpadala rin ng mensahe ng pasasalamat ang Angat Buhay Executive Director na si Raffy Magno at Founder ng Pawssion Project na si Malou Perez.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG MGA NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: