
“Co-parenting” umano ang dahilan kung bakit magkasama pa rin sa iisang tahanan sina Maui Taylor at kaniyang ex-partner.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ni Maui sa TV host na si Boy Abunda ang set-up nila ng dating longtime partner bilang mga magulang sa kanilang dalawang anak.
Aniya, “It's co-parenting. I know puwedeng mag-co-parent with different houses pero kasi 'yung panganay [na anak ko] is very close to me, 'yung bunso naman [close] sa kaniya.
“So ayokong dumating sa point na paghihiwalayin ko 'yung dalawang magkapatid.”
Napagkasunduan din nina Maui na hindi muna sila puwedeng magdala at magpakilala ng bagong nobyo o nobya sa kanilang tahanan dahil hindi pa ito maiintindihan ng kanilang mga anak.
“Bawal muna magpakilala. Huwag muna kasi mako-confuse 'yung kids and we participated [naman] as Mom and Dad,” ani Maui.
Pero ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan nila ng ama ng kaniyang mga anak?
Sagot ni Maui, “There was an existing problem kasi for the longest time. Kasi kapag nag-aaway kami, hindi namin siya pinag-uusapan, biglang, 'O, okay na tayo.' So ang nangyari 'yung problemang 'yun lumalim nang lumalim, talagang sobrang lalim na ng hole na 'yun, na away-bati at away-bati hanggang sa dumating na kami sa point na, 'Huwag na tayo mag-away.' Napapagod na kami. 'Tama na 'to.'”
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN NAMAN ANG SEXY PHOTOS NI MAUI TAYLOR SA GALLERY NA ITO: