TV

Dingdong Dantes, sinagot ang tanong kung papasukin niya ba ang pulitika

By Jimboy Napoles

Sa season finale episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, April 21, excited na sumalang sa panayam kay King of Talk Boy Abunda ang tinaguriang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Bukod sa kaniyang pagiging ama, at in-demand actor, isa sa kanilang pinag-usapan ay ang pulitika.

Isa sa mga naging tanong ni Boy ay kung may balak nga ba si Dingdong na tumakbo sa public office kasabay ng kaniyang pagiging abala sa show business. Malaman naman ang naging tugon dito ni Dingdong.

Ayon sa aktor, “Gusto ko pong aminin that I really thought na sana [there's a chance] for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry pero never pa umabot sa punto para masabi kong, 'Sige, gagawin ko ito.'”

Dagdag pa niya, “It's because I regard public office, especially kapag sinabing public service 'yun talaga ang top priority. I recognize na it's not that easy, it will require much of your time, much of your energy, your love, your passion, of yourself, and it takes much sacrifice.”

Para kay Dingdong, marami pa siyang tungkulin ang dapat gampanan, gaya ng pagiging mabuting ama, asawa, at good citizen.

Aniya, “Isang bagay ang malinaw sa akin ngayon, that I have multiple roles to fulfill, literally and figuratively, because I want to be the best father to my children, the best husband to Marian, a good son, a responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen of this country each and every day.”

Matapos ito, muli namang nagtanong si Boy kay Dingdong, “I like your discussion Dong about being many, pero hindi ka nagsasara ng pintuan?”

“I think it's not for me to say but the circumstance,” nakangiting sagot ni Dingdong.

Samantala, mapapanood pa rin si Dingdong bilang game master sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud. Sa ngayon abala rin siya sa mga parating niyang bagong proyekto gaya ng The Voice Generations at Royal Blood.

BALIKAN ANG CAREER HIGLIGHTS NI DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: