GMA Logo Gabby Eigenmann
What's on TV

Gabby Eigenmann sa pagiging anak ng artista: 'They expect you to be as good as your dad'

By Jimboy Napoles
Published May 5, 2023 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - February 8, 2026 | NCAA Season 101
#BasyangPH leaves 5 people dead in Iligan

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Eigenmann


Ibinahagi ni Gabby Eigenmann sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang kaniyang naging karanasan bilang anak ng artista noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Inamin ni Gabby Eigenmann sa Fast Talk with Boy Abunda na madaling makapasok sa industriya ng show business ang mga anak ng artista pero mas mabigat naman ang pressure na kapalit nito.

Kuwento ni Gabby sa TV host na si Boy Abunda, naging advantage para sa kaniya ang pagiging anak ng yumaong aktor na si Mark Gil o Raphael John “Ralph” Gil Eigenmann na tunay niyang pangalan. Pero naging problema rin ito para sa kaniya dahil sa mataas na expectations sa kaniya ng mga tao.

Aniya, “It was an advantage, na anak ka ng artista o galing ka sa angkan ng mga artista, it's stepping stone, easier way to enter showbiz pero problema lang is they expect you to be as good as your dad, or as good as your tito.”

Dagdag pa ni Gabby, marami ang nag-aakala na madali lamang para sa mga anak ng artista ang sumikat, pero taliwas umano rito ang nangyayari.

“Kasi ako nag-start ako as singer e, hindi ako nagsimula as an actor e. It was a pressure, pressure para sa amin 'yun. Misconception nga is akala nila its easier for us e, pero mahirap kasi they tend to compare talaga nila e,” anang aktor.

Samantala, mapanood si Gabby bilang Commander Robinson ng Camp Big sa inaabangang Filipino live-action adaptation ng Japanese anime series ng GMA na Voltes V: Legacy. Sa darating na Lunes, May 8, magsisimula ang nasabing serye na mapapanood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NI GABBY EIGENMANN SA GALLERY NA ITO: