GMA Logo Matteo Guidicelli
What's on TV

Matteo Guidicelli, kumpirmadong pipirma ng kontrata sa GMA

By Jimboy Napoles
Published May 8, 2023 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli


Ibinalita ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' na magiging bahagi na ng GMA Public Affairs ang aktor na si Matteo Guidicelli simula May 11.

Pipirma ng kontrata ang aktor na si Matteo Guidicelli sa GMA Public Affairs ngayong May 11. Ito ang ibinalita ng TV host na si Boy Abunda sa kaniyang programa na Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, May 8.

Sa segment na “Today's Talk” ng programa, ibinahagi ni Boy ang magandang balita. Aniya, “Si Matteo Guidicelli ay pipirma po ng kontrata with GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11.”

Dagdag pa niya, nagsimula nang mag-shoot si Matteo ng ilang promo para sa kaniyang pagdating sa GMA.

“Noong Sabado, siya ay nag-shoot ng plugs kasama ang Public Affairs official ng GMA-7,” ani Boy.

Ang iba pang detalye sa contract signing ni Matteo ay malalaman din sa Huwebes sa isasagawang press conference. Susundan naman ito ng kaniyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, sa parehong araw, May 11.


Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.


SILIPIN NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MATTEO GUIDICELLI AT KANIYANG MISIS NA SI SARAH GERONIMO SA GALLERY NA ITO: